Marquee Tag - http://www.marqueetextlive.com

Saturday, March 8, 2008

hirap ng buhay!

kahapon, medyo sinipag ang lola nyo... nag-ayos ako ng mga gamit... pero marami pa ring aayusin, sa dami ng abubot ko at ng anak ko. ni-revive ko yung side car namin para makapag-sidecar ulit kami ni ineng (at macoy) around the village or within our phase lang. habang pinapa-check namin yung mga gulong ng sidecar at yung 1 gulong ng jeep ni papa... tumawid kami sa kabila para bumili ng bigas, weekly lang kami bumibili. GRABE! nagulat ako sa mga presyo from P26-30+... GRABE na ang mahal! then napansin ko yung mantika na binibili namin eh P150+ na samantalang dati eh 100+ lang! GRABE! tasty na binibili namin from P28-35 na... malamang mas tataas pa! yung gasul na ginagamitt namin eh P550+ na or minsan almost 600 na! GRABE TALAGA! kahit nga biscuits na pang merienda namin dito at ng mga bata eh tumaas na! pati sa palengke nagtaasan na, kulang na ang P1000 pambili na para sa 1 linggong pagkain! gatas nga lang ng anak ko from almost P800 to almost P900. GRABE TALAGA! ANG HIRAP NG BUHAY! pati gasolina eh nagtaas na naman. HAY..

napapansin ko lahat ito dahil ako nag-go-grocery. sa pamamalengke eh ako ang nagbibigay ng pamalengke. GRABE TALAGA!

bakit ganun eh mataas naman ang piso sa forex? =(
nararamdaman kaya ito ng iba?

buti pa yung mga nakakapag-fine dine.. kami nga halos hindi na makapag-stroll sa mall or window shopping dahil sa sakto lang kinikita ng asawa ko. marami pa naman sana akong gustong puntahan/maranasan para sa anak ko, na hindi ko naranasan nung maliit ako. pero mukhang hindi ko maibibigay dahil sa wala akong trabaho. =(

dahil dito parang gusto ko ng tumulong sa gastusin... kahit pa sabihin nating ako ang "in-charge" dito. kaso ayaw akong payagan ng 2 taong "nakatataas" sa akin. gusto nilang tutukan ko ang bahay at anak ko. hay. tumatanda na ako at hindi ko alam kung may tatanggap pa sa akin for work. huhuhu. what will i do? wala kasing "matinong" maiiwan dito sa bahay kundi katulong na medyo slow, 2 bata at ang pasaway at useless kong utol. bad trip!

No comments: