last week pa ito nangyari, gusto ko lang ilabas ang inis ko..
may station of the cross sa phase namin.. at kami ang 7th station. sabi kasi sa envelope na iniwan na 7:45pm mag-uumpisa yung procession. habang nagpapahain ako ng hapunan ng 7:15pm eh inaayos na namin yung mesa sa labas. nung tinawag na ako para kumain, sabi ko sa isang kasama namin dito sa bahay na magbantay muna, ang sagot ba naman eh, "eh ate maliligo pa ako!" sinagot ko tuloy sya ng "aba, mukhang kelangang makiusap pa ako ah!" sa inis ko, pinakain ko yung anak ko ng mabilisan, kumuha ako ng pagkain ko at sa veranda na ako kumain. bwisit na bwisit ako! tinatawag ako ng asawa ko para kumain sa lamesa sa loob, sabi ko "wag na dito na ako, baka kasi hindi makaligo yung maliligo pa dyan!" grabe! ang 'nipis' talaga!
may napansin nga akong pinagbago ng kasama naming yan magmula nung nakasama nya yung yaya ng pamangkin ko... lagi pa silang magkabuntot! kapag inutusan yung isa, gustong sumama nung isa. hay naku, kainis! yung yaya kasi ng pamangkin ko dati ng 'maloko' yun... itong kasama namin eh dati namang hindi ganyan... marunong ng sumagot ang loka!
parang nakakahiya tuloy utusan yung kasama naming yun.. basta parang nag-iba na sya.. nagkasungay na! nahihiya tuloy ako minsan iwan yung anak ko sa kanila lalo na sa kanya.
uuwi na yung yaya ng pamangkin ko at magbabakasyon naman sya.. magpapahanap nga ako ng bagong yaya.. pero this time bibigyan ko na sila ng 'instructions'.
bakit kaya ganun na ngayon ang mga kasama sa bahay... mas ikaw na ang nakikisama hindi na sila. parang ako pa ang nahihiya.. instead na sila.
2 comments:
haha, ano ba u, hanggang ngayon nao-obsess ka pa rin sa isyung yan? kaw talaga. if it really bothers you so much, kausapin mo na si au pair mo. ipaliwanag mong mabuti na mukhang hindi mo na gusto ang lumalabas na ugali niya. double-edged sword nga lang: baka masaktan naman siya at maisipang umalis. eh kesa naman ikaw pa ang naga-adjust sa kanya, diba? siguro naman kakausapin mo siya nang maayos kung sakali. alalahanin mo na lang na bahay mo yan, dude. you set the rules.
alam mo naman na di ako kasi ganung tao yung 'nakikipag-away'. pero yun nga lang tuwing naaalala ko, naiinis ako. mag-iipon pa ako ng lakas ng loob para kausapin sya. gusto ko kausapin sya na wala na yung yaya ng pamangkin ko baka 'i-brainwash' naman nya eh.
Post a Comment