Marquee Tag - http://www.marqueetextlive.com

Saturday, March 21, 2009

seo reun

bakit kaya tuwing dumarating ang araw na iyon, eh napapaisip ka kung ano na ang nangyari sa buhay mo?

parating na naman sa akin ang araw na iyon.. ia-assess ko na naman ang buhay ko.. at iisa lang ang resulta.. a very depressing result. kung titignan ko talaga marami akong gustong balikan na desisyon na sana ito na lang ang ginawa ko kesa ito.. kaya heto ako ngayon.. parang may kulang. sana naging mas matapang na lang ako noon para hindi ako ganito ngayon. hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko o yung tao na dapat eh sumusuporta sa aking mga magiging desisyon (sana noong panahong iyon) o yung tao na nagpabaya sa amin. pero syempre sarili ko ang number one na may kasalan dyan.. secondary na lang sila. =(

umabot ako sa edad na ito na walang nangyari sa buhay ko. boring sya ever since. minsan nga naiisip ko na hindi ata bagay sa akin ang may ka-relasyon o sa case ko ngayon ang may pamilya. nakaka-awa lang kasi sila, nadadamay (lalo na anak ko). =(

oh di ba instead of ranting sana.. nag-iisip na lang sana ako ng ways on how to avoid these thoughts o ang mag-isip ng paraang makakapagpasaya sa akin o ang maging kontento na at magpasalamat sa Kanya sa kung anong meron ako. wala naman akong malaking bagay na hinihiling.. meron lang sanang mga desisyon na kahit paano eh makakapagpa-iba ng resulta ngayon. kontento kung sa kontento pero yung masasabi kong achievement ko.. wala. maybe it is too early to say.. or too late na. yah, may panahon pa.. pero resources wala. =(

i still feel immature for my age... eeww, nakakahiya. =(
maybe there are reasons behind it. kumabaga sa tubig - stagnant ako, binabahayan na ng kitikite.. magdudulot pa ng sakit sa kawawang biktima.

=(

hayaan nyo na akong mag-emote..

2 comments:

chieru said...

dahil ba you're at that dreaded age kaya ka napapaisip? hehehe, yaan mo, lahat naman dumadaan at dadaan diyan. ano naman resulta ng assessment mo? change paths ka ba? ur ineng is starting school this june... might be a good time to start something yourself. just a thought :)

alas said...

forward na ako dito sa path na 'napili' ko.. mom, wife, sister, driver, messenger, runner, etc. *sigh* explain ko na lang syo kapag lumabas ulit tyo. =)