Marquee Tag - http://www.marqueetextlive.com

Wednesday, October 14, 2009

samu't-sari

few weeks ago, muntik na akong nagresign sa home-based job ko. bwisit na bwisit na kasi ako sa quotang hinihingi, tapos yung 'complications' ko pa dito sa bahay eh sumasabay. buti na lang at kinausap ko muna SPC namin, at ayun naliwanagan naman ako na huwag munang magresign kesho daw pinaglaban daw nila ako sa PH-SPC para ako na ang kunin. naniwala naman ako.. kasi after a week nabalitaan ko na nagresign na pala yung Coordinator ko. feeling ko ayaw lang akong payagan noon kasi nga may nauna na sa akin. hmpf!

pero ngayon nakaka-cope na ako sa work, in-adjust ko na lang ang gising ko para maasikaso ko si Ineng sa time nya. yun nga lang yung cope ko yung, eh medyo napupunta na sa boredom kasi routinary na ginagawa ko. hay. ano ba talaga ang gusto ko?!


***


last sunday, nagpasaway ako at bumili ng Portable DVD Player. wala lang, gusto ko lang at card na naman ito.



may gusto pa sana akong bilhin na cp kaso pinag-iisipan ko pa kung ito na ba talaga o ano.




***


sa subbing teams naman na sinalihan ko, eh medyo 3 dun eh semi-hiatus at 1 lang ang active pa, school days na kasi kaya daming busy.

eto nga't dapat may tinatapos ako ngayon pero nagba-blog ako.


***


sa forum naman na ginawa namin, eh medyo kulang pa sa members at karamihan di active, nag-register lang tapos di naman nagchecheck for updates. :(

nakakapagod ang may hobby palang ganito.. pero enjoy kasi napapractice ang dapat kong i-improve at marami rin akong nakikilalang tao, cyber friends.


***


bakit kaya sila naa-addict sa facebook? hhmm, ba't ako na computer addict eh di pa mahikayat nun? *puzzled*


***

naumpisahan ko ng basahin ang "The Lost Symbol," pero di ko naman matandaan kung ano yung 1st 2 chapters na nabasa ko. pasaway! hehe.


***


kainis na itong taong ito... kung makahingi ng pera akala mo gripo ka, na basta na lang hihingan. nakakaawa pa dyan yung taong nagbebeybi sa kanya. ito ang tunay na pasaway!


***


grabe di na ako masyadong nakakapag-blog, panay forum na lang pinupuntahan ko. blog nga ng iba di ko na rin masilip eh. yung nililipat ko pang blog from geocities to wordpress eh di pa tapos magsasara na sa Oct.20 (ata) yun. :(

dami sana akong iba-blog kaso minsan tinatamad ako at kung may time na nalilimutan ko na kung ano yung gusto kong ilagay.

itong blog ko gusto kong ayusin kaso.. kelangan ko ng at least 2 days na wala akong ibang gagawin kundi magcomputer.


***

minsan parang gustong kong mag-overnight somewhere ng mag-isa. computer at chicha lang meron ako, siguro ang dami ko ng magagawa nun. problema lang internet connection, kung magSmartBro ka lang, mabagal yun lalo na kung nagda-download at upload ka while browsing the net.


***

speaking of SmartBro, i bought one.. kasi kapag monday, nag-oonline pa rin ako kapag nasa therapy center kami ni Ineng. mas madaling bitbitin kesa sa cellphone ka naka-connect. USB lang deretso na.. eh sa cp, usb w/ wire at cp ang hawak mo. nalaglag na nga cp ko eh nung naka-connect minsan, akala ko sira na, ayaw mag-on.

No comments: