last week, nagstart yung work kong home-based job. okay naman, medyo masakit lang sa ulo (kakaisip ?) at puwet (kakaupo).
parang mas mahirap ang home-based job lalo na siguro kung may quota kang hinahabol. imagine, nag-iisip ka sa work mo tapos, iniisip mo rin sa bahay kung anong ulam, kung maliligo na ba anak mo o kung may kelangang bayarang bills dahil due na. siguro, nanibago lang ako kasi almost 4 years akong natengga sa work. tapos syempre, nasanay ako sa routine ko dito sa bahay tapos biglang mababago na naman. sakit sa ulo! tapos may hobby pa ako, enjoy ako sa hobby ko ngayon eh, hehehe, daming nakikilalang (cyber) people.
tapos, yung mga kasama mo pa sa bahay, kung di cooperative, mega daldal at papansin. 2 nga ang kasama mo sa bahay, kaso yung 1 medyo bastos, yung 1 naman eh nakakahiyang hingan ng pabor kasi sya na ang puyat sa gabi. hay, what will i do?
pa'no yan kapag nagka-office na yung work ko, baka pabayaan nila anak ko. ito naman kasing utol ko, instead na sya ang nagbabantay sa 2 kasama, sya pa ang isa pang binabantayan ko. huhuhu.
hay. sakit sa ulo!
No comments:
Post a Comment