Marquee Tag - http://www.marqueetextlive.com

Friday, March 27, 2009

kalokohan

si Franching ko kasama si malokong Macoy, maingay na si ate Lucy, mabagal na si ate Marie at si doggy Berry


nasira ni Macoy, tinulak nga nya si ate Franching... buti nga di nasugat, malokong Macoy


malokong Macoy pinahiraman ni ate Franching ng bathing suit


malokong Macoy na naka-ribbon

mamam at poker

last saturday, may scheduled mamam at poker sa aming bahay..

uy, ang magjowa este magsawa este mag-asawa


ate Irene at ate Grace



ate Rej, ate Patit and Coco



ngayon lang ulit kami nakompleto.. ay, wala pala si chel. di bale, nai-date ko na naman si chel eh.. thanks po ulit sa gift =)!

Thursday, March 26, 2009

MRT

last March 11, nagrenew ako ng aking driver's license sa makati.. kaso offline sila kaya sa pasay kami nagpunta. first time sumakay ni Ineng ko ng MRT at tuwang-tuwa sya.


Tuesday, March 24, 2009

similarities?

between Harry Potter novels and Twilight saga


1) werewolves













Prof. Remus Lupin and Jacob Black


2) Black (family)













Jacob and Sirius


3) Bellas











Isabella Swan and Bellatrix Lestrange

4) vampires
















Sanguini (a vampire mentioned in HP book 6)
and the Cullens

Saturday, March 21, 2009

seo reun

bakit kaya tuwing dumarating ang araw na iyon, eh napapaisip ka kung ano na ang nangyari sa buhay mo?

parating na naman sa akin ang araw na iyon.. ia-assess ko na naman ang buhay ko.. at iisa lang ang resulta.. a very depressing result. kung titignan ko talaga marami akong gustong balikan na desisyon na sana ito na lang ang ginawa ko kesa ito.. kaya heto ako ngayon.. parang may kulang. sana naging mas matapang na lang ako noon para hindi ako ganito ngayon. hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko o yung tao na dapat eh sumusuporta sa aking mga magiging desisyon (sana noong panahong iyon) o yung tao na nagpabaya sa amin. pero syempre sarili ko ang number one na may kasalan dyan.. secondary na lang sila. =(

umabot ako sa edad na ito na walang nangyari sa buhay ko. boring sya ever since. minsan nga naiisip ko na hindi ata bagay sa akin ang may ka-relasyon o sa case ko ngayon ang may pamilya. nakaka-awa lang kasi sila, nadadamay (lalo na anak ko). =(

oh di ba instead of ranting sana.. nag-iisip na lang sana ako ng ways on how to avoid these thoughts o ang mag-isip ng paraang makakapagpasaya sa akin o ang maging kontento na at magpasalamat sa Kanya sa kung anong meron ako. wala naman akong malaking bagay na hinihiling.. meron lang sanang mga desisyon na kahit paano eh makakapagpa-iba ng resulta ngayon. kontento kung sa kontento pero yung masasabi kong achievement ko.. wala. maybe it is too early to say.. or too late na. yah, may panahon pa.. pero resources wala. =(

i still feel immature for my age... eeww, nakakahiya. =(
maybe there are reasons behind it. kumabaga sa tubig - stagnant ako, binabahayan na ng kitikite.. magdudulot pa ng sakit sa kawawang biktima.

=(

hayaan nyo na akong mag-emote..

tension

last thursday, nagkaroon na naman ng tension dito sa bahay.. ang nag-away naman eh si utol at yung kasama namin dito. hay, ganito na lang ba dito sa bahay? minsan kasi itong si utol eh sablay din eh.. ito namang isa eh kapag inis talaga eh talagang ipaparamdam at ipapakita nya syo. yung 2 kasama namin dito ni hindi nga nila kinakausap si utol eh.. ako pa ang bridge nila kung may ipasasabi sila. oh di ba parang mga ewan. hay.

Twilight mom



kahapon, nakuha ko na ang kopya ko ng Twilight 2 disc special edition =)

syempre matapos makapaghapunan, pinanood ko na ito... hindi nga lang tuluy-tuloy kasi syempre sinisilip-silip ko si Ineng ko.

ok naman yung laman ng disc 2... mga deleted, extended and some behind-the-scenes ang pinakita dun. you can also see that Rob really played Bella's Lullaby.. he studied it and played it.. he knows how to play the piano naman eh.. kaya it's a good thing and a plus pogi points for me. i really like guys who can play piano/keyboard and/or guitar. =)

mababaw na kung sa mababaw.. kanya-kanyang trip lang yan sa buhay. =p

Sunday, March 15, 2009

EK '09

huling EK namin noong 2006.. halos di pa namin nasakyan lahat ng nasa Boulderville.. yun lang kasi ang pwede kay Ineng noon. summer something ng office ni Dada.


ngayon, marami na syang nasasakyan at nasakyan..

Grand Carousel
Wheel of Fate (twice)
Boulderville Express
Stone Eggs
Up, up and Away
Roller Skater (twice)
Rio Grande Rapids(twice)







more pics here


enjoy sya, grabe, at ako rin eh enjoy para sa kanya kasi ang dami na nyang pwedeng sakyan =)

au pair

last week pa ito nangyari, gusto ko lang ilabas ang inis ko..

may station of the cross sa phase namin.. at kami ang 7th station. sabi kasi sa envelope na iniwan na 7:45pm mag-uumpisa yung procession. habang nagpapahain ako ng hapunan ng 7:15pm eh inaayos na namin yung mesa sa labas. nung tinawag na ako para kumain, sabi ko sa isang kasama namin dito sa bahay na magbantay muna, ang sagot ba naman eh, "eh ate maliligo pa ako!" sinagot ko tuloy sya ng "aba, mukhang kelangang makiusap pa ako ah!" sa inis ko, pinakain ko yung anak ko ng mabilisan, kumuha ako ng pagkain ko at sa veranda na ako kumain. bwisit na bwisit ako! tinatawag ako ng asawa ko para kumain sa lamesa sa loob, sabi ko "wag na dito na ako, baka kasi hindi makaligo yung maliligo pa dyan!" grabe! ang 'nipis' talaga!

may napansin nga akong pinagbago ng kasama naming yan magmula nung nakasama nya yung yaya ng pamangkin ko... lagi pa silang magkabuntot! kapag inutusan yung isa, gustong sumama nung isa. hay naku, kainis! yung yaya kasi ng pamangkin ko dati ng 'maloko' yun... itong kasama namin eh dati namang hindi ganyan... marunong ng sumagot ang loka!

parang nakakahiya tuloy utusan yung kasama naming yun.. basta parang nag-iba na sya.. nagkasungay na! nahihiya tuloy ako minsan iwan yung anak ko sa kanila lalo na sa kanya.

uuwi na yung yaya ng pamangkin ko at magbabakasyon naman sya.. magpapahanap nga ako ng bagong yaya.. pero this time bibigyan ko na sila ng 'instructions'.

bakit kaya ganun na ngayon ang mga kasama sa bahay... mas ikaw na ang nakikisama hindi na sila. parang ako pa ang nahihiya.. instead na sila.

Sunday, March 8, 2009

ang gulo..

napansin ko kanina habang binabasa ko ulit yung blog ko na ang gulo pala ng pagkakalagay ko... parang wala sa tamang araw at sequencing...

wala lang siguro ako sa mood magblog... pinipilit ko lang may mailagay kaya siguro ganun... walang buhay ang dating tuloy (as if naman may life ang pagiging bum)


please bear with me na lang... i'm not a writer..

Saturday, March 7, 2009

Ang katotohanan sa likod ng OFW

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila!

Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines, kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.

Wednesday, March 4, 2009

walang magawa..

pinanood ko itong mga pelikula sa DVD: Bride Wars, Milk, Slumdog Millionaire, The Curious Case of Benjamin Button, The Reader









***

pinanood ko naman ito sa youtube.com, 2 TV drama ni Rob:


as Toby Jugg in The Haunted Airman



as Daniel Gale in The Bad Mother's Handbook




***


binilhan namin si macoy nito, Safety 1st's child harness... grabe kapag nasa labas, parang nakawala







mga bagong libro ni Ineng ko.. gustung-gusto nyang mabasahan... pero kapag medyo tumagal na.. nagsasawa na, kaya kailangang bilhan ng bago.. hay..


oh di ba, gawain ng walang magawa ang update ko.. kahiya.. =(