Marquee Tag - http://www.marqueetextlive.com
Showing posts with label points of view. Show all posts
Showing posts with label points of view. Show all posts

Sunday, July 12, 2009

lugi ba kami?

Friday last week, pina-ayos namin ang aming printer sa Abenson-Aserco Alabang hindi kasi nagpi-print kahit bago yung mga ink. Printer head daw ang problem which costs 1500+, pina-'go' na namin kahit alam naming aabutin kami ng 2k+. ang all-in-one printer ngayon eh may tig-4k+ to 5k+... nakatipid pa ba kami sa pagpapaayos na iyon? bihira naman naming gamitin ang printer, as in super bihira at may hiwalay naman kaming scanner.

last Wednesday tapos na sya, Friday lang ulit namin nakuha, yun kasi ang rest day ni Dada Ewel eh. gustuhin ko mang ibenta ang printer at scanner eh mukhang pang-donate na lang sila. kaya okay muna kami sa kanila.. kasi nga bihira namang gamitin. ;)

Saturday, March 7, 2009

Ang katotohanan sa likod ng OFW

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila!

Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines, kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.

Sunday, October 29, 2006

Paano mo nasabing mahal mo sya

Para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan, naliligaw, nag-iintay maligawan at nagbabalak lumagay sa magulo...... Ang LOVE ay hindi minamadali...hindi pinipilit.. at lalong hindi kina-career...aray ko!

Unang-una... PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA???... Dahil ba natutuwa ka sa kanya???... o kaya naman naaaliw ka???... naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya???... kinikilig ka ba pag nakikita mo siya???... at nahi-high kapag naririnig mo na ang boses niya???... Eh teka muna... baka naman infatuated ka lang.... o kaya naman kagaya nga ng sagot mo... Baka naaaliw ka lang...dahil kakaiba siya... may spark na hindi mo maintindihan... tsk!!!...ang saklap nyan!...

Pangalawa... GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???... Madali ba siyang mapikon???... pano ba siya mabadtrip???... madali bang mahalata na may topak siya???... ano bang suot niya pag nasa bahay siya???... shorts ba o pantalon???... nakasando ba siya o naka-t-shirt lang???... matagal ba siyang maligo???.... kumakain ba siya ng vegetables???... tamad ba siya???... mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa magbasa ng libro???... nagpe-play station ba siya???... tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki???... makukulit ba yung mga kamag-anak niya???... green ba ang kulay ng gate ng bahay nila???... sa village ba siya nakatira???... may sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila???... nagsisimba ba siya linggo-linggo???... kasama ba yung pamilya niya???... at nagdadasal ba siya bago matulog???... In short... alam mo na nga ba???...ang mga bagay-bagay... ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya... na nagdedetermine ng sarili niya... as in kung sino ba talaga SIYA...

Pangatlo... KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN???... as in TANGGAPIN ng buong-buo... sa lahat ng trip niya sa buhay... sa lahat ng katopakan niya... sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya... sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya... salahat ng naiisip niya... sa lahat ng sasabihin niya... sa kilos niya.. sa pananamit pa pala niya... sa pagsasalita... sa pananaw niya sa buhay... sa pagtrato niya sa tao... sa lifestyle niya... sa uri ng pamilyang meron siya... sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya... sa style niya pagdating sa love... sa kasweetan niyang natural... sa paglalambing niya... sa tawa niyang pagkalakas-lakas... sa manners niya... sa bisyo niya kung meron man... sa mga pang-aasar niya sayo... sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema... sa problemang maaari ka ring masama...

Pang-apat... KAYA MO BANG MAGING TOTOO???... kaya mo bang makita yung sarili mo... na kasama pa rin siya ha... sa isang sitwasyong pag naisip mo eh... mapapaiyak ka na lang sa sakit... nang dahil din sa kanya???... kaya mo bang magmukhang tanga... as in umiyak ng dahil sa kababawan... ibuhos ang mga nararamdaman mo... kahit na puro kababawan nga lang naman... as in kahit sa harapan niya???... kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya???... yung tipo bang wala ka ng pakielam... mawala man ang manners mo... na wala ka naman talaga...

In short...
KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA???... yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga... dahil alam mong...
HINDI MO LANG SIYA TANGGAP...
TANGGAP KA RIN NIYA...
BUONG-BUO RIN...
MGA PEOPLE!!!... tama na kasi ang trip... tama na ang pagmamadali... Oo, masarap ngang ma-involved sa isang tao... pero di ba mas masarap yun...
LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN MO.... kaya dapat, hinde tayo nagpapa-bulag sa akala nating LOVE.... mag antayna lang tayo.... wag natin unahan....

For all we know, nde pa pala cya ang para sa atin...... Pero pag nasagot mo lahat ng nasa taas.... Baka nga... MAHAL mo na siya....

p.s. muntik na akong maduwal dito ... malamang kayo rin