may 1 kaming anak, pero may mga nagawa naman (hindi ko masabing marami dahil ibang level ito ng sacrifice or something =.=) ako para sa anak namin siguro naman, hindi mali ang desisyon kong maging housewife/hands-on mom.
ngayong lumalaki na anak namin, nagkaka-idea na sya kung pano ang may kapatid.. na yun ang wala (pa) sya. gustuhin ko mang bigyan sya, mukhang hindi na kakayanin ng asawa ko financially. ayaw naman nya kasing mag-abroad.. ewan ko ba?
ayaw kong pag-usapan namin ito dahil in the end it'll boils down to me.. ako na naman ang may kasalanan. i admit, before parang ayaw ko ng bigyan ng kapatid ang anak namin pero ngayon.. mukhang gusto nya talaga at para hindi naman sya malungkot pagtanda nya di ba.