March 19, Monday - we had dinner.. our usual dinner. pero pagkatapos kumain, medyo bloated ang feeling ko
March 20, Tuesday - masakit pa rin ang tyan ko, uncomfortable na feeling ko. tapos late pa umuwi asawa ko, mapapabili ako ng gamot kasi wala dito sa botika sa likod namin. dumating sya before 12mn, saka lang ako naka-inom ng Buscopan kasi hindi tumalab yung Mutilium
March 21, Wednesday - bumaba na yung sakit ng tyan ko sa baba na ng pusod. itutuloy pa rin namin yung scheduled task for that day, so pagkapasok ni Ineng sa school umidlip ulit ako. Paggising ko, naligo na ako, pagkabihis, abay lumipat na sa lower right yung sakit at hindi ko na kaya. Nagpatakbo na ako sa ER, ang daming lab tests dyusme eh in pain na ako. Anyway, na-admit na ako for operation na ako that night - appendectomy exploratory surgery.
what i hate was, kahit nagpa-ER ka na kelangan ka pa ring in queue for ultrasound at ewan ko ba bat trans-V ang unang request hindi abdominal.. kaloka sila >_< almost half day ako sa ER bago ako nilipat sa room ko dahil nga sa mga check up na yan. i was checked my an OB, surgeon & IM, gosh di ba..
7:30pm ang schedule ko for operation, before 7pm nasa OR na ako. namalayan ko before 10pm nasa recovery room na ako, then mga 12mn (Mar.22 na) binalik na ako sa room. buti na lang wala akong catheter, bed pan lang ako kung kelangan kong magwiwi. masakit kasi kapag tatanggalin na ang catheter eh
March 22, Thursday, my Birthday - yeah!! had my birthday at the hospital. the usual day at the hospital, they're forcing me to fart & poop.. eh, wala nga akong kinain buong araw ng 20 so, wala akong ilalabas. i'm asking for a rectal suppository pero walang nagsa-suggest sa doctor ko :( pero panay ang burp ko..
March 23, Friday - still no fart & poop from me pero pinag-soft diet na nila ako. kinulit lang naman nila akong maglakad-lakad para daw makapagfart & poop ako.. pero wala pa rin
March 24, Saturday - was able to fart & poop na after giving me rectal suppository. buti pa itong nurse na ito, sinuggest kay doc yun, yung ibang nurse.. ewan! >_< dapat nung Friday pa binigay sa akin yun.. para sana nakalabas ako ng Sat, nasayang Friday ko :(
Sat palang pinayagan na ako ng IM ko na lumabas pero yung surgeon ko hindi pa :( sabi ko tuloy sa surgeon ko "naku, kung tom pa ako lalabas, hindi ako aabot sa graduation ng anak ko. ang bagal ng billing dito eh."
everyday, my daughter is visiting me.. everytime nga na uuwi na sila ni Dada, umiiyak sya saying she misses me.. cry din ako syempre.. miss ko na rin sya. ako, dapat ang kasa-kasama nya sa mga last activities pa nya sa school kaso :(
sakit sa ulo ang pagbabantay ng sis-in-law ko esp. kapag andun na yung bunsong anak nya.. hay~ Friday & Saturday yan T____T
March 25, Sunday - maaga palang chineck na ako ng IM at surgeon ko at may go signal na for discharge. kaso nagkaleche-leche kaya mangiyak-ngiyak kaming mag-asawa, kasi gusto naman ng hubby ko na maka-attend ako ng graduation ng anak namin syempre. kulang na sa oras, ginawan muna ng paraan para makalabas at maka-attend ako.
right on time ang dating namin sa Pacita Convention Center, thank God, i was able to watch my daughter graduate. :) maraming teachers ang nagulat at bakit bigla akong naka-wheel chair, after explaining, they all said na magpagaling ako :)