Marquee Tag - http://www.marqueetextlive.com

Monday, August 31, 2009

lipat-blog

isasara na ng geocities sa October ang free web hosting nila, magiging with pay na lang ang web hosting nila. kaya yung 'blog' ko dun eh nilipat ko sa wordpress, pinag-aaralan ko pa pa'no gamitin yun.. medyo iba sya dito sa blogger. di naman ganun karami yung laman ng geocities ko, since nagba-blog naman ako ng kung anik-anik, eh di ilipat ko na sya kasama ng iba. ime-merge ko na rin siguro ang blogs ko, para less ang maintenance, maybe my main blog is still this one, tapos yung pang 'shallow' and excerpt entries ko eh dun sa wordpress.

balitaan ko na lang kayo.. (as if my viewers ito, lol)


**

gosh, umpisa na ang BER-months tomorrow.. bilis ng panahon, 2010 is fast approaching :(

Wednesday, August 26, 2009

hilaw

may niluluto ako pero mukhang pagsalang pa lang mali na.. mahihilaw na ata.


when my daughter is sick, in these times, i start to have second thoughts.. :(

Thursday, August 20, 2009

blessings

Chel's house blessing, last July 18..


with Dra. Louie, Carl, Coco, Chel, Aeia, Eejay, Roel and I


France's birthday, August 15..


with dabarkads and kids and Macoy


Dada's gifts to her.. bought at Toy Kingdom-SM Southmall



may ID na si Ineng ko sa school, ang cute nga eh -

Monday, August 17, 2009

nonsense?

update tungkol sa akin? marami, pero mga mababaw lang.

nakabalik na si "general" sa base nya. last thursday and sunday natin nakapag-video chat na kami gamit ang skype. gamit namin ang hand-me-down laptop nya kapag nagvi-video chat kami kasi yung desktop namin may problem ata sa audio.. di gumagana ang mic dun.

* * *

tungkol naman sa subbing, 2 na ang fan subbing group na nasalihan ko, yung isa (Superstarsubbing) di ba focus sa kpop group na SS501. itong pangalawa, Miracle 13oys FS (M13), focus naman sa Super Junior sub-group na Super Junior-M (SJM). they don't upload their work on live streams like youtube, etc., direct download sila. 2 palang naging 'work' ko dun... yung released pa lang eh yung Kyochon Chicken CF ng SJM.

tungkol pa rin sa subbing, kaming mga sumusuporta sa T-Max ay nagbabalak gumawa ng fan subbing team. kasi itong underrated group na ito eh wala man lang mga subbed vid nila.


T-Maxlove Project



bago pa man 'sumikat' ang Wonder Girls, dahil sa kanta nilang "Nobody", dito sa Pinas eh naa-appreciate ko na ang kpop.

by the way, here are my latest subbed vid:


7 Years of Love
Cho Kyuhyun of Super Junior


Talk To Me
U-Kiss




di ko man maintindihan ang mga kanta nila... pero nagustuhan ko, ewan ko.

* * *

ano bang nakukuha ko sa pagfa-fan subbing? wala naman, cyber friends, pastime ko, natututo ako ng iba pang computer application, nakakapag-convert, split, join at sub ng vids. mababaw kung sa mababaw at least hindi ako nakakagambala ng ibang tao.

* * *


bumili na rin pala ako ng 1TB Western Digital My Book kasi itong laptop ni madir eh 40GB lang ang HD. pwede na akong magdownload ng mga movie vids and tv series. ;) bumili na rin ako ng laptop cooler, AMD kaya ito, ang bilis uminit.

* * *

tungkol pala sa Harry Potter PSP game, di ba ang 'review' ko dun eh BORING. so yun, di ko na tinapos yung game at deleted na yung sya sa PSP ko. sorry.

Saturday, August 15, 2009


HAPPY, HAPPY
4th
BIRTHDAY,
dear FRANCES!


We Love You!